34 C
Manila
Tuesday, April 16, 2024

Marijuana joke ni Pangulong Duterte walang epekto sa ‘war on drugs’ — PDEA

- Advertisement -

Walang direktang epekto ang marijuana joke ni Pangulong Rodrigo Duterte sa war on drugs ng gobyerno.

Ito ang tiniyak ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Chief Director General Aaron Aquino matapos ang umani ng kaliwa’t kanang reaksyon ang pahayag ni Pangulong Duterte.

Ayon kay Aquino, dapatnang masanay ang publiko sa mga biro ng punong ehekutibo bagay na ginagawa na nito kahit noong unang araw pa lamang sa Malakanyang.

Sa isang “formal event” sa Malakanyang noong Lunes ng gabi, inamin ni Pangulong Duterte na kinailangan niyang mag-marijuana upang manatiling gising habang nasa 33rd ASEAN Summit sa Singapore.

Gayunman, kumambyo ang pangulo nang tanungin ng mga reporter at nilinaw na biro lamang ang kanyang pahayag.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -