29.5 C
Manila
Friday, March 29, 2024

DepEd nilinaw na walang kautusan na nagpapasara sa mga Lumad school

- Advertisement -

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) – 11 na wala silang kautusan na ipasara ang anumang paaralan para sa mga indigenous people taliwas sa naunang pahayag ng Salugpongan Learning Center sa Talaingod, Davao del Norte.

Ayon sa DepEd, tanging ang central office ang may kapangyarihan na mag-issue ng anumang closure order at hindi ang regional office.

Una ng inihayag ng DepEd-Davao Regional Office na desisyon ng tribal community leaders sa Talaingod na ipasara ang Salugpongan Learning Center.

Ang nabanggit na paaralan para sa mga katutubong Lumad ay matatagpuan sa tribal area na hindi saklaw ng kapangyarihan ng kagawaran pero binigyan ng ‘permit to operate.’

Magugunitang inaresto at ikinulong sa kasong kidnapping at human trafficking sina ACT Teachers Party-list Rep. France Castro at dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo dahil sa pag-byahe ng mga menor de edad na estudyante ng Salugpongan.

Hinarang ng mga pulis at sundalo ang grupo nina Ocampo at Castro sa checkpoint matapos mabigong maglabas ng mga dokumentong magpapatunay na may parents’ consent ang 14 na menor de edad.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -