Nananatiling ligtas ang halos 90 Filipino sa Aleppo, Syria sa kabila ng panibagong toxic gas attack.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Elmer Cato, wala namang naapektuhang Pinoy sa napaulat na pambobomba kung saan naglalaman umano ang mga mortar ng nakamamatay na chlorine gas.
Pinuntirya aniya ang mga mataong lugar sa lungsod ng Aleppo at tinatayang 100 ang naapektuhan pero sa kabutihang-palad ay walang namatay.
Gayunman, nahirapang huminga ang mga nakalanghap ng chlorine gas.
Maka-ilang beses nang inakusahan ni US President Donald Trump si Syrian President Bashar Al-Assad katuwang ang Russian forces sa paglulunsad ng chemical attack sa mga mamayan ng Syria sa gitna ng nagpapatuloy na civil war.