Monday, May 6, 2024

Maria Ressa naghahanap lang ng itatapat kay Panelo

- Advertisement -

Naghahanap lamang si Rappler Chief Executive Officer Maria Ressa nang itatapat kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Ito, ayon kay Panelo, ay kaya’t kinuha ang serbisyo ng maybahay ni hollywood actor George Clooney na si Amal Clooney para pangunahan ang kaniyang legal team sa mga kinakaharap na kaso.

Sinabi ni Panelo na palaging kawawa si Ressa sa tuwing may debate sila kayat posibleng nabola nito si Clooney.

Malinaw aniyang na misinformed si Clooney kung kaya napaniwala itong inaapi si Ressa sa Pilipinas.

Inihayag ni Panelo na excited na siyang makaharap si Clooney na aniya’y maganda at sexy pa.

Subalit nilinaw ni Panelo na hindi uubrang humarap sa korte ng Pilipinas si Clooney dahil hindi ito miyembro ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) at posibleng maging consultant na lamang ito o tagapagsalita ni Ressa.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img