35.8 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Pagpasa ng 2020 national budget tiniyak na ‘di maaantala – Palasyo

- Advertisement -

Tiniyak ng Malakanyang na hindi maaantala ang pagpasa ng 2020 national budget.

Sa kabila itong pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na term sharing bilang House Speaker sina Congressmen Allan Peter Cayetano at Lord Allan Velasco.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, tiniyak kapwa nina Cayetano at Velasco na hindi maaapektuhan ang pagpasa sa budget.

Hindi rin anila maaapektuhan ang committee chairmanship at magpapatuloy lamang sa trabaho ang mga kongresista kahit na palitan na si Cayetano ni Velasco matapos ang 15 buwan.

Gayunman, sinabi ni Panelo na kahit pa inendorso na ng pangulo bilang house speaker sina Cayetano at Velasco, bahala pa rin ang mga kongresista na magpasya kung ano ang nais nilang maging lider ng Kamara.

with report from Jopel Pelenio (Patrol 17)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -