Patuloy na bumabagal ang inflation rate sa ika-limang sunod na buwan nitong Marso.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), naitala ang mababang inflation rate sa 3.3 percent mula sa 3.8 percent noong Pebrero.
Ito ang pinakamababa mula noong Enero 2018.
Nagtala din ng mababang inflation rate ang mga lugar sa labas ng National Capital Region (NCR) sa 3.4 percent.
Samantala, nanatili pa rin ang pinakamataas na annual rate na 4.8 percent sa MIMAROPA Region habang pinakamababa naman ang 2.0 percent sa Zamboanga Peninsula.
—-