Sugatang bihag ng Abu Sayyaf nailigtas ng militar sa Sulu

0
56

Nailigtas ng militar ang isang hinihinalang bihag ng Abu Sayyaf Group sa Simusa Island, Banguingui, Sulu.

Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng Marine Battalion Landing Team 3 at Abu Sayyaf Group sa nasabing lugar, alas-4:25 ng hapon, kahapon.

Sa gitna anila ng bakbakan, tinangka ng nasabing bihag na tumakas pero binaril ito ng bandido.

Nasagip naman ito ng Philippine Marine Ready Sulu habang nakahandusay, sampung metro mula sa lugar na unang pinagtaguan ng Abu Sayyaf Group.

Agad namang dinala sa Kuta Heneral Teodulfo Bautista sa Jolo Sulu ang sugatang bihag para malapatan ng pa-unang lunas.

—-