Pope Francis gugunitain ang Huwebes Santo kasama ang mga bilanggo sa Italya

0
68

Gugunitain ni Pope Francis ang misa ng huling hapunan sa Huwebes Santo na kasama ang mga bilanggo sa Italya.

Ayon sa Vatican, nakatakdang hugasan ng Santo Papa ang paa ng nasa labindalawang (12) bilanggo sa Velletri Correctional Facility.

Matatandaang simula noong 2013 ay tumutungo si Pope Francis sa mga kulungan at rehabilitation centers upang hugasan ang paa ng mga may sakit at bilanggo.

Ang washing of the feet ay bahagi ng liturhiya tuwing misa ng Huling Hapunan.

—-