Magandang balita para sa publiko!
Magpapatupad ng bawal singil ang Manila Water para sa buwan ng Abril.
Ito mismo ang kinumpirma ni Jeric Sevilla, pinuno ng manila Water Corporate Communications Head kung saan ito aniya ay bunsod ng pagbaba ng Foreign Currency Differential Adjustment (FCDA) na epektibo simula sa Abril a primero.
Sinabi ni Sevilla na nasa P5 ang bawas singil sa mga kumukonsumo ng 30 cubic meters kada buwan.
Kaugnay nito tiniyak naman ni Sevilla na sapat ang kanilang suplay ng tubig habang umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon.