30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Duterte may paalala sa publiko

- Advertisement -

“Hindi ngayon ang panahon para kumita.”

Ito ang paalala ni Pang. Rodrigo Duterte sa mga negosyante na nagbabalak na samantalahin ang kinahaharap na krisis ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ng Pangulo, dapat na isaalang-alang ng lahat na hindi makatutulong ang over pricing, at ang hoarding sa mga pangunahing pangangailangan ng publiko.

Batay sa ulat ng Phil. National Police (PNP), nasa 593 ang bilang ng mga naaresto dahil sa hoarding, at manipulation of prices ng iba’t-ibang mga produkto.

Kaugnay nito, muling iginiit ni Pang. Duterte na may pinaiiral na price freeze na ang pamahalaan upang masigurado na hindi sasamantalahin ng mga negosyante ang sitwasyon, at upang mapanatili ring sapat ang suplay ng mga pangunahing bilihin sa Luzon habang umiiral ang enhanced community quarantine.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -