Bawas presyo sa produktong petrolyo umarangkada na

0
22

Inilarga na ng mga kumpanya ng langis ang malakihang tapyas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo.

Epektibo kaninang 6:00 ng umaga ang P2 tapyas presyo sa kada litro ng gasolina na ipinatupad ng Chevron, Shell at Seaoil.

Habang aabot naman sa piso at nobenta y singko sentimos ang rollback sa kada litro naman ng kerosene at singkwenta sentimos naman sa kada litro ng diesel.

Ang rollback na ito ay bunsod ng pagbagsak ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang merkado.