Manila City sinimulan ang pagsasagawa ng mass testing ngayong Lunes

0
18

Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Manila City ang pagsasagawa ng mass testing sa lungsod.

Batay sa abiso ng Manila-PIO, umarangkada na ngayong araw ang “targeted mass testing” na naglalayong magkapagsagawa ng 1,600 pagsusuri kada linggo.

Sa naturang abiso, nasa 232 swab tests ang inaasahang maisagawa kada araw, kung saan kokolektahin at ipo-proseso Research Institute For Tropical Medicine (RITM) at UP-PGH ang mga nakolektang samples.

Sa naturang abiso, isasagawa ang mga testing sa mga sumusunod na pasilidad:

-DELPAN QUARANTINE FACILITY

-Ospital ng Maynila

-Sta. Ana Hospital

-Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center

-Ospital ng Tondo

-Justice Jose Abad Santos General Hospital at Ospital ng Sampaloc.