DepEd: Wala munang graduation rites dahil sa COVID-19 outbreak

0
18

Wala munang isasagawang graduation ceremonies sa buong bansa para sa mga magsisipagtapos dahil sa tumitinding coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis sa Pilipinas.

Ito mismo ang binigyang diin ni Education Sec. Leonor Briones, kung saan sinabi nito na hindi lamang sa Luzon ipagbabawal ang pagsasagawa ng graduation rites, kundi maging sa ibang panig pa ng bansa.

Aniya, makukuha naman ng mga estudyante ang kanilang mga certificate, at iba pang kaukulang dokumento mula sa kanilang paaralan.

Dagdag pa ng kalihim, nag papatuloy na rin aniya ang pagpupulong hinggil sa nalalapit na pagbubukas ng panibagong school year.

Sa ngayon, kumikilos na rin ang DepEd upang mas mapaganda, at mapa-igting pa ang mga online classes para sa mga estudyante.