Senado pinasisilip kung akma sa saligang batas ang naging pag-tugon ng pamahalaan vs. COVID-19

0
20

Pinasisilip na ng ilang mga senador kung akma sa saligang batas ang naging pag-tugon ng pamahalaan sa kinahaharap na coronavirus disease 2019 (COVID-19) crisis ng Pilipinas.

Ayon kay Senate Minority Leader Franklin Drilon dapat na matukoy ang constitutionality ng pagtugon ng gobyerno sa pandemya na kinahaharap ng pilipinas.

Sinabi ni drilon na dapat malaman kung tama o mayroong pagkukulang ang pamahalaan sa mga hakbang nito lalo na’t kapakanan at kalusugan ng publiko ang nakataya sa nabanggit na COVID-19 crisis.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Sen. Imee Marcos na dapat matiyak na nakatatanggap ng sapat na ayuda at pribelehiyo ang mga healthworkers.

Samantala, ayon naman kay Senator Francis Tolentino na sa ilalim ng International Covenant on Civil And Political Rights, sa gitna ng public emergency na may banta sa buhay at kalusugan ng publiko, dapat na matiyak na napo-protektahan ang public health, at walang anumang karapatang pantao ang nalalabag tulad na lamang ng freedom of expression o ang malayang pamamahayag at ang right to freedom of association.