Monday, May 6, 2024

Manila Bay posibleng ligtas nang languyan sa pagtatapos ng 2020 —DENR

- Advertisement -

Posibleng ligtas nang languyan ang Manila Bay sa pagtatapos ng taon na ito.

Ito mismo ayon kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Benny Antiporda, ito ay bilang bahagi ng nagpapatuloy na sewage treatment plant sa Manila Bay.

Ayon kay Antiporda, malaki na ang naging pagbabago ng Manila Bay lalo na sa kalidad ng tubig ng karagatan simula ng ikasa ang rehabilitasyon dito dahil mula  aniya sa dating 1.3-billion of coliform per 100 milliliter of water ay nasa 700 coliform per 100 milliliter of water na lamang ito.

Sinabi ni Antiporda, ang target kasi ng denr ay maabot ang 200 coliform per 100 milliliter of water para maging ligtas nang languyan ang Manila Bay.

Gayunman, nilinaw naman ni Antiporda na sa ngayon ay hindi pa rin ligtas na languyan ng publiko ang Manila Bay.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img