Año negatibo na sa COVID-19

0
11

Negatibo na sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) si Department of the Interior and Local Government secretary Eduardo Año.

Ito mismo ang kinumpirma ng kalihim matapos aniyang lumabas ang resulta noong Miyerkules ng hapon ang  resulta ng kanyang COVID-19 test.

Kaugnay nito, sinabi rin ni Año na magpapatuloy pa rin ang kaniyang pagsailalim sa work-from-home arrangement bagamat tapos na ang kanyang quarantine period.

Matatandaang noong ika-16 ng Agosto nang ianunsyo ni Año na muli siyang nagpositibo sa COVID-19.