31.1 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Buong Drug Unit ng Las Piñas Police sibak sa puwesto

- Advertisement -

Sinibak ni Philippine National Police-National Capital Region Police Office (PNP-NCRPO) Chief Guillermo Eleazar ang lahat ng pulis ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Las Piñas PNP matapos masangkot ilang miyembro nito sa robbery extortion incident.

Ayon kay Eleazar, malalim na imbestigasyon ang kanilang isinasagawa kaya’t ini-relieved muna niya ang 32 miyembro ng SDEU kasama ang hepe nito.

Ginawa ni Eleazar ang hakbang kasunod ng di umano’y tangkang pangingikil ng mga SDEU operatives sa isang drug suspek sa Cavite.

Nagsagawa ng entrapment ang PNP upang dakpin ang mga sangkot na pulis subalit nakatakas ang mga ito.

Gayunman, nadakip ang di umano’y kasabwat nilang 13-anyos na estudyante na siyang kumilala kung sino sino ang mga sangkot na pulis.

Tiniyak ni Eleazar na hindi nya papayagang samantalahin at pagkakitaan ng mga pulis ang war on drugs ng administrasyon.

—-

 

 

 

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -