E-reseta mula sa doktor puwede na —FDA

0
47

Maaari nang ipakita ang mga reseta ng doktor gamit ang email, viber at messenger sa pagbili ng mga gamot sa botika.

Batay sa inilabas na circular ng Food and Drugs Administration (FDA), ang electronic prescription o electronic image capture ng mga reseta galing sa doktor ay katumbas na ng aktwal na papel na reseta.

Ayon kay FDA Director General Eric Domingo, layon ng naturang hakbang na makaiwas na mahawa sa sakit o coronavirus disease 2019 (COVID-19)  ang mga pasyenteng bibili ng gamot sa botika lalo na sa mga senior citizens.

Aniya, ang mga electronic prescription ay dapat may naasaad na pirma, pangalan, lisensya, at Professional Tax Receipt (PTR) number ng mga doktor.

Samantala, iiral lamang ang naturang circular habang hindi inaalis ang enhanced community quarantine sa buong Luzon.