Ikalawang araw ng 33rd ASEAN Summit sa Singapore naging makabuluhan

0
66

Naging produktibo at makabuluhan ang ikalawang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore. Ito ang inihayag ng Malakanyang sa kabila nang hindi pagdalo ng pangulo sa anim na events sa ASEAN Summit.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dumalo si Pangulong Duterte bilang dialogue coordinator sa 21st ASEAN-China Summit kung saan kanyang iginiit ang pagsusulong code of conduct (COC) sa pinag-aawayang teritoryo sa South China Sea.

Binigyang diin naman ng pangulo sa kanyang pagdalo sa 3rd ASEAN-Russia Summit ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mahigpit na ugnayan sa pagitan ng mga ahensiya ng Russia at ASEAN para labanan ang terorismo, karahasan at transnational crimes.

Samantala, pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang japan sa ibinigay nitong tulong sa mga biktima ng bagyong Ompong sa ginanap naman 211st ASEAN – Japan Summit.

Maliban sa tatlong nasabing pagpupulong, nakipagkita rin si Pangulong Duterte kay Singaporean Prime Minister Lee Hsieh Loong sa pamamagitan ng isang bilateral meeting.

Sumaksi rin ang panggulo sa paglagda ng memorandum of understanding sa pagitan ng Eurasian Economic Commission and ASEAN on Economic Cooperation.


Palasyo idinepensa ang pangulo sa hindi pagdalo sa ilang ganap sa 33rd ASEAN Summit

Idinepensa ng Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte matapos na hindi sumipot sa apat na mahahalagang pulong at dalawa pang events sa 33rd ASEAN Summit kahapon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, nagpahinga lamang ang pangulo at piniling mag-power nap sa mga oras na iyon para makabawi ng tulog lalu’t tuloy-tuloy aniya ang pagtatrabaho nito.

Kabilang sa mga hindi sinipot ng pangulo ang ASEAN member-state breakfast meeting kay Australian Prime Minister Scott Morrison, pulong kasama si South Korean President Moon Jae In at working lunch na pinangunahan ni Singaporean Prime Minister Lee Hsieh Loong.

Absent din ang pangulo sa 2nd Regional Comprehensive Economic Partnership Summit at gala dinner na pinangunahan ng Singapore para sa mga bisita nilang world leaders.

Ipinagtataka naman ni Panelo kung bakit naging malaking usapin ang hindi pagdalo ni Pangulong Duterte sa mga nasabing pagpupulong gayong itinalaga naman si Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Teodoro Locsin bilang kinatawan.

Iginiit din ni Panelo na walang kinalaman sa kalusugan ni Pangulong Duterte ang hindi nito pagsipot sa mga nasabing pulong.

Tiniyak din ng kalihim na dadaluhan ng pangulo ang lahat ng kanyang nakatakdang aktibidad bukas kabilang ang bilateral meeting kay Japan Prime Minister Shinzo Abe.