Malakihang rollback sa produktong petrolyo epektibo na ngayong araw

0
40

Ipapatupad na ngayong Martes, Hunyo 4 ang malakihang bawas sa presyo ng produtkong petrolyo.

Epektibo mamayang alas 6:00 ng umaga ang bawas na piso at pitumpung sentimos sa kada litro ng gasolina ng Shell, Petron, Eastern Petroleum, Flying V, PTT Phil. at Total.

Asahan naman ang piso at limang sentimos naman ang tapyas sa presyo ng kada litro ng diesel.

May bawas din na piso sa presyo ng kada litro ng kerosene ng Shell, Petron at Flying V.

Una rito, nag anunsyo na ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang Seaoil at Petrogazz.