Panukalang magpaparusa ng community service sa mga may minor offense aprubado na

0
52

Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Senado ang panukala na magpaparusa ng community service laban sa mga may minor offense sa halip na makulong.

Layon ng Senate Bill No. 2195 o Community Service Act na mabawasan ang pagsisikan ng mga preso sa mga piitan sa bansa.

Dahil dito, maaari ng patawan lamang ng korte ng parusang community service ang mga may menor na kaso o paglabag.

Gagawin naman ang community service kung saan nangyari ang paglabag sa ilalim ng supervision ng probation officer.