Hirit na dagdag sweldo ng mga guro tina-trabaho na ng pangulo

0
58

Tina-trabaho na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hirit na dagdag-sweldo ng mga pampublikong guro sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasabay ng protesta ng mga grupo ng guro upang ipaalala ang ipinangako umanong dagdag sweldo.

Ayon kay Panelo, inatasan na ni Pangulong Duterte ang mga economic managers para maghanap ng pondo para sa hirit na salary hike.

Ani ni Panelo, inuna lamang ng pangulo ang dagdag sa sahod ng mga pulis at sundalo.