Dalawang bata patay matapos malunod sa Negros Occidental

0
54

Patay ang dalawang bata matapos malunod sa isang ilog sa Talisay City, Negros Occidental.

Batay sa ulat, pumunta si Kagawad Arthur Demejillo sa gilid ng ilog para tingnan ang mga alagang baboy. Ikinagulat niya nang makita ang katawan ng batang si John Daze Nemes na palutang-lutang sa ilog.

Sunod na nakita ang batang si Christian Alati-it na agad ding isinugod sa health center.

Isa pang walong taong gulang na bata ang kasama ng dalawang biktima nang naligo sa ilog pero agad daw itong umalis dahil pinagalitan siya ng kaniyang ama.

Dead on arrival sa ospital ang dalawang bata.