Malakanyang umaming kontrolado ng China ang West Philippine Sea

0
50

Inamin ng Malakanyang na kontrolado ng China ang teritoryo ng West Philippine Sea at walang ibang magagawa sa ngayon ang Pilipinas kundi ang makipag-areglo sa Asian powerhouse.

Ito’y makaraang lumutang ang usapin hinggil sa dalawang pilipinong mangingisda na tinaboy umano ng mga Chinese coastguard habang nangingisda sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, may pwersa ang China sa naturang dagat at tanging pagprotesta lang ang maaaring gawing aksyon ng Pilipinas gaya ng ibang bansa na umaangkin dito tulad ng bansang Vietnam.

Sinabi rin ni Panelo na kailangang magpakita ng ebidensya hinggil dito kung totoo ngang nangyayari ang naturang sitwasyon upang makapagsagawa sila ng protesta.

Hindi anya nila hahayaan ang mga mangingisda ng bansa na magpasaklaw sa ganoong uri ng pangha-haras.