Monday, May 6, 2024

MWSS pormal nang irerekomenda ang pagsasagawa ng cloud seeding operations

- Advertisement -

Pormal nang irerekomenda ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System o MWSS ang pagsasagawa ng cloud seeding operation para maibsan ang patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay MWSS Administrator Reynaldo Velasco, kung mayroon nang pagkakataon na magsagawa ng naturang hakbang ay ipatupad na agad ito para matiyak na magtutuloy-tuloy ang paglalagay ng tubig sa nabanggit na dam.

Makikipag-ugnayan anya sila sa National Water Resources Board para pangunahan ang cloud seeding operations.

Magugunitang ipinahayag ng PAGASA na posibleng pumalo sa critical level ang lebel ng tubig sa Angat Dam sa katapusan ng Abril.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img