Malakanyang naniniwalang walang nilabag na batas si Pangulong Duterte sa kanyang SALN

0
60

Naniniwala ang Malacañang na walang nilabag na batas si Pangulong Rodrigo Duterte sa hindi nito pagdedeklara kung saan galing ang kaniyang yaman na nakasaad sa kaniyang SALN o Statement of Assets, Liabilities and Networth.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, malinaw na nakasaad sa inilabas na ulat ng PCIJ o Phil. Center for Investigative Journalism na dineklara ng pangulo sa kaniyang SALN ang kabuuan ng yaman nito.

Aniya, hindi labag sa batas ang hindi pagdedeklara kung saan galing ang yaman na nakasaad sa SALN.

Matatandaang, una ng binatikos ng pangulo ang inilabas na report ng PCIJ kung saan kinuwestiyon nito ang paglobo ng SALN ni Pangulong Duterte at ng mga anak nitong sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio at dating Davao City vice mayor Paolo Duterte.

“Ang violation daw is we did not declare….sinasabi nga ng Philippine Center for Investigative Journalism, dineclare. Ang gusto lang nila malaman is saan galing. Eh hindi naman violation yung hindi mo sinabi kung saan galing. Ang violation is yung hindi mo dineclare.”