Bantang revolutionary gov’t ni Duterte dala lamang ng bugso ng damdamin ayon sa Malakanyang

0
71

Bugso ng damdamin at labis na pagkadismaya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kritiko ang dahilan kaya’t nakapag bitiw ito ng bantang pagdedeklara ng revolutionary government.

Ito ang naging paglilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na ang banta ng pangulo ay isang paalala lamang na hindi nito sasantuhin ang sinumang may iligal na gawain.

Matatandaang, nagbabala ang pangulo ng suspensiyon ng Writ of Habeas Corpus at deklarasyon ng revolutionary war matapos umapela ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kay Pangulong Duterte na maghinay-hinay sa utos na pag repaso sa mga pinasok na kontrata ng pamahalaan sa pribadong mga kumpanya.

Paliwanag ni Panelo, hindi mag-aatubili si Pangulong Duterte na gamitin ang kaniyang kapangyarihan upang pangalagaan ang taumbayan mula sa mga kurakot na opisyal ng gobyerno, rebelde, at mga drug personalities.

“It’s a frustration and at the same time, notice to all transgressors on the law that the President will not be sitting idly and what’s their transgressions. The constitution is a dynamic instrument. I don’t think the favors of the constitution has chained this president or any president for that matter to respond to any exigency that push the interest of the general public in jeopardy.”