Saturday, May 18, 2024

Mga pilipinong mangingisda sa Pag-asa Island malaya pa ring makapaglalayag ayon sa PCG

- Advertisement -

Tiniyak ng PCG o Philippine Coast Guard na malaya pa ring makapag-lalayag ang mga pilipinong mangingisda sa Pag-asa Island sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng mga lumulutang na report na hindi na umano pinapayagan ng pamahalaan ang mga Pilipino na makapag layag sa naturang isla.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Elson Hermogino, hindi pinag-babawalan ang mga Pilipino na mangisda sa nasabing isla.

Aniya, wala ring natatanggap na opisyal na report ang PCG hinggil sa umano’y pang-ha-harass sa mga pilipinong mangingisda sa lugar.

Matatandaang, kamakailan lamang nang mamataan ang 600 Chinese vessels sa paligid ng Pag asa Island.

Kasabay nito, tiniyak naman ni Hermogino na nag deploy ang PCG ng mga vessels at maritime assets upang tutukan ang galaw sa bisinidad ng Pag-asa Island.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -