Malakanyang kumpiyansang kakayanin ng DOJ at DBM na pangasiwaan ang bidding process ng PCSO gaming ops

0
82

Kumpiyansa ang Palasyo ng Malaca├▒ang na kakayanin ng DOJ o Dept. of Justice at DBM o Dept. of Budget and Management na pangasiwaan ang bidding process ng gaming operations ng PCSO o Phil. Charity Sweepstakes Office.

Ito ay ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo kung saan sinabi nito na hindi na papasok pa si Pang. Rodrigo Duterte sa mga bagong hakbang kung walang sapat na kaalaman at karanasan ang mga miyembro ng gabinete.

Una rito matatandaang sinabi ng pangulo na kaniya nang pinag aaralan na ilagay sa ilalim ng Office of the President ang pangagasiwa sa operasyon ng peryahan ng bayan, keno at small town lottery.

Kaugnay nito, sinabi rin ng pangulo na pangangasiwaan ng kalihim ng DOJ at DBM ang bidding process sa pagbibigay ng akreditasyon sa mga kukuha ng lisensiya.