Monday, May 13, 2024

CSC nanindigang labag sa batas ang pagtanggap ng mga pulis ng regalo

- Advertisement -

Nanindigan ang CSC o Civil Service Commission na labag sa batas ang pagtanggap ng mga pulis ng regalo mula sa mga nagmamagandang loob.

Kaugnay ito ng naging pahayag ni Pang. Rodrigo Duterte na hindi maituturing na suhol ang pag-tanggap ng pulisya ng regalo mula sa publiko.

Ayon kay CSC Commissioner Aileen Lizada, ipinagbabawal ng batas na tumanggap ang pulisya ng regalo mula sa publiko kahit na ito ay kusang ibinigay.

Aniya, malinaw ang mga mekanismong nakapaloob sa R.A Act 6713 o ang Code of conduct, para sa PNP o Philippine National Police at R.A 3019 o ang Anti graft and corrupt practices act.

Sa ilalim ng 6713, ipinagbabawal sa mga public officials ang pag-sosolicit at pag tanggap ng regalo.

Ngunit bukod dito, iginiit rin ni Lizada na mismong ang DILG na nakakasakop sa PNP ang naglabas ng memorandum circular number 2016-002 na tinatawag na “grave misconduct” ang pagtanggap ng anumang regalo kapalit ng DILG.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -