Sunday, April 28, 2024

Palasyo pabor sa panukalang pagpapasaklolo sa U.S para imonitor ang pagdaan ng mga barko sa West PH Sea

- Advertisement -

Sang-ayon ang Palasyo ng Malacañang sa panukala ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na magpasaklolo sa Estados Unidos para imonitor ang pagdaan ng mga barko sa West Philippine Sea.

Ito mismo ay ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo—kung saan sinabi nito na mayroon kasing kasunduan ang Pilipinas at Amerika at maari itong gamitin.

Aniya, hindi na kailangan pa ni Lorenzana na humingi ng permiso mula kay Pang. Rodrigo Duterte at sa halip ay gawin na lamang nito kung ano ang sa tingin niyang makabubuti para sa Pilipinas.

Sa ngayon, tiniyak naman ni Panelo na may ginagawa nang hakbang ang Pilipinas para magkaroon ng satellite at ma-monitor ang galaw ng China sa West Phil. Sea.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -