Saturday, May 4, 2024

Malakanyang ipauubaya sa DFA ang pagresolba sa isyu ng pagdaan ng Chinese warships sa PH

- Advertisement -

Ipauubaya na lamang ng Malacañang sa DFA o Department of Foreign Affairs ang pagresolba sa isyu ng pagdaan ng Chinese warships sa katubigang bahagi ng Pilipinas.

Ito ay matapos ipag utos ni Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin ang paghahain ng isa namang diplomatic protest laban sa China.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, isa itong lehitimong isyu na dapat tutukan ng pamahalaan.

Aniya, dapat na manghingi ng permiso ang bansang China mula sa pamahalaan sa tuwing dadaong ang mga Chinese vessel sa EEZ ng bansa.

Paliwanag pa ni Panelo, tiwala siyang kikilalanin ng China ang UNCLOS o United Nations Conventions on the Law of the Sea dahil inirerespeto ng Chinese government ang Pilipinas.

Matatandaang, ikina alarma ni Defense Sec. Delfin Lorenzana ang pagdaan ng Chinese warships sa Sibutu Strait ng walang permiso mula sa gobyerno.

“Well as we repeatedly said on the office of the president, we’ll let the foreign affairs take care of those issues. so we will let sec. locsin. it is an issue for the president also. we need to be informed in advance on any passage on our territory.”— Pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo

 

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img