Saturday, May 18, 2024

Pag-iisyu ng working permit sa mga dayuhang manggagawa hihigpitan ng DOLE

- Advertisement -

Tiniyak ng DOLE o Dept. of Labor and Employment na magiging mahigpit sila sa pag-i-isyu ng working permits sa mga dayuhang nagtatrabaho sa bansa.

Ito ayon kay Labor Sec. Silvestre Bello III kaugnay ng pagdami ng mga POGO o Phil. Offshore Gaming Operators sa bansa.

Ayon kay Bello, hindi sila basta-basta mag iisyu ng working permit sa sinumang dayuhan na nais magtrabaho sa bansa kung kaya naman gawin ng Pilipino ang trabahong ni-nanais nito.

Paliwanag ni Bello, kailanman ay hindi pahihintulutan ng DOLE na mapag-iwanan ang mga Pilipino dahil prayoridad aniya ng DOLE na mabigyan ng trabaho ang mga manggagawang Pilipino sa bansa.

Dagdag pa ni Bello, sisiguraduhin din ng DOLE na lahat ng mga foreign workers sa bansa ay mayroong TIN o Tax Identification Number upang matiyak na nagbabayad ang mga ito ng kaukulang buwis.

“Kung gusto mong magtrabaho ka pero with alien permit tapos bago ka namin bigyan, ipapa brief muna namin ang pangalan mo at yung trabahong gusto mong pasukan. Ngayon pag merong Pilipino na nagsabi na kaya niya yang trabaho na yan, hindi naman bibigyan yung foreigner ng alien worker permit kasi hindi namin papayagan na merong Pilipinong mawalan ng trabaho dahil lang sa pagpasok ng dayuhan”.— Pahayag ni Labor Sec. Silvestre Bello III

(Balitang Todong Lakas interview)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -