Malakaniyang kinondena ang nangyaring pagpapasabog sa Sulu

0
50

Tiniyak ng Malakaniyang na gagamitin ng pamahalaan ang buong puwersa ng batas upang mapanagot ang mga taong nasa likod ng kambal na pagsabog sa Kampo ng 1st Combat Brigade Command sa Indanan, Sulu nuong isang linggo

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Salvador Panelo, tuloy-tuloy ang ginagawang pagtugis ng mga sundalo’t pulis sa grupo ng Abu Sayaf hanggang sa wala nang matakbuhan ang mga ito

Una riyan, inako ng International Terrorist Group na ISIS o Islamic State of Iraq and Syria ang insidente ng pagsabog batay sa impormasyong ipinabatid ng United States Intellegence Group

Magugunitang inihayag ng Militar na pareho ang grupo na nasa likod ng pinakabagong insidente ng pagpapasabog sa Indanan sa Sulu gayundin ang nangyaring pagpapasabog sa Jolo Cathedral nuong Enero