Wednesday, May 8, 2024

Grupong nasa likod ng Sulu Blast tukoy na

- Advertisement -

Tinukoy ng Wesmincom o Western Mindanao Command na ang grupo ni Abu Sayaf Leader Hatib Hajan Sawadjaan ang siyang nasa likod ng pag-atake at kambal na pagpapasabog sa kampo Militar Sa Indanan, Sulu nuong Biyernes

Ito ang kinumpirma ni Wesmincom Chief M/Gen. Cirilito Sobejana batay sa paunang resulta ng imbestigasyon sa 2 IED o Improvised Explosive Device na ginamit sa nasabing pagpapasabog

Nilinaw din ni Sobejana na sadyang iniwan ang mga IED at pinasabog gamit ang Remote Device kaya’t inalis na ang anggulong Suicide Bombing sa pangyayari

Magugunitang nagsagawa ng inspeksyon si Sobejana kahapon sa Blast Site kasama si AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal gayundin ang mga kinatawan mula sa pambansang pulisya

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img