Mga basura ng Canada na itinapon sa Pilipinas naibalik na

0
412

Ganap nang naibalik sa bansang Canada ang humigit kumulang 70 containers na naglalaman ng tone-toneladang basura na itinapon sa Pilipinas may 5 taon na ang nakalilipas

Sabado ng umaga, oras sa Pilipinas nang dumaong ang barkong M/V Bavaria sa Vancouver Port laman ang nasa halos 2 libong tonelada ng basura na dinala rito bilang Recyclable Plastic Scraps nuong 2014 at 2015

Agad dinala ang mga nabanggit na basura sa isang Waste to Energy Facility sa nasabing bansa kung saan, gagawin itong kapaki-pakinabang sa pamamagitan ng Enerhiya

Mayo 31 nang umalis ang barkong may dala sa mga nabanggit na basura batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kabiguan ng Canadian Government na hakutin ang mga basura nito