Hindi pa naglalabas ng proklamasyon ang Malacañang para sa pagdedeklara ng holiday sa Lunes, Agosto 12.
Ito ay kaugnay ng nakatakdang pagsasagawa ng Eid al-Adha o Feast of the Sacrifice ng mga Muslim sa Lunes.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, wala pang opisyal na kautusan mula sa tanggapan ni Executive Secretary Salvador Medialdea para sa inaasahang deklarasyon ng regular holiday.
Ang pagdedeklara ng holiday kaugnay ng Eid al-Adha ay base na rin sa rekumendasyon ng National Commission on Muslim Filipinos.
With report from Jopel Pelenio