29 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Malacañang ikinatuwa ang pagbagal ng inflation rate sa bansa

- Advertisement -

Labis na ikinatuwa ng Malacañang ang pagbagal ng inflation rate sa bansa.

Ito ay batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung saan bumaba sa 2.4 percent na lamang ang inflation rate para sa buwan ng Hulyo na pinakamababang inflation naman simula taong 2017.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang malakas na political will ng economic team ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dahilan ng pagbaba ng inflation.

Sa ngayon, kumpiyansa naman ang Malacañang na lalo pang baba ang inflation dahil pursigido, at patuloy na babantayan ng pamahalaan ang presyo ng pangunahing bilihin.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -