Duterte walang nakikitang dahilan para magdeklara ng martial law sa Negros Oriental ⁠—Panelo

0
172

Walang nakikitang dahilan si Pangulong Rodrigo Duterte para magdeklara ng martial law kaugnay ng mga serye ng pagpatay sa Negros Oriental.

Ito, ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ay dahil dapat munang magkaroon ng rebelyon bago magdeklara ng martial law sa isang lugar.

Magugunitang binanggit din ng Pangulo noong nakaraang linggo na gagawa siya ng isang ‘drastic’ o marahas na hakbang na hindi magugustuhan ng karamihan sa mga Pilipino.

Samantala, tiniyak ni PNP Chief General Oscar Albayade na gagawin nila ang lahat para hindi na umabot pa sa, ayon kay Duterte’y marahas na pamamaraan para mapanatili ang peace at order sa bansa.

Written by Jezrel Santillan