Suspendido na ang pasok sa Malacañang simula kaninang alas-3 y medya ng hapon bilang pakikiisa sa Kainang Pamilya Mahalaga Day.
Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque wala ng pasok ang lahat ng kawani ng gobyerno sa sangay ng ehekutibo bilang pagtalima na rin sa Memorandum Circular na inilabas ni Executive Sec. Salvador Medialdea.
Dahil dito, umapela naman si Medialdea sa iba pang sangay ng pamahalaan at mga pribadong sektor na makiisa rin sa pagdiriwang ng Kainang Pamilya Mahalaga Day.
Ayon sa Department of Interior and Local Government (DILG) , layon ng pagdiriwang na ito na mahimok ang mga magulang na makasalo ang kani-kanilang mga anak.