Walang intensyon si Pangulong Rodrigo Duterte na palawigin pa ang kaniyang termino bilang Pangulo ng bansa.
Ito ang agarang naging pagdepensa ni Presidential Spokesman Atty. Harry Roque kaugnay ng panawagang ipagpaliban muna ang nalalapit na 2022 Presidential Elections.
Sinabi ni Roque, handang-handa ang Pangulo na bumaba sa kaniyang pwesto sa oras na matapos na ang kaniyang termino.
Dagdag pa ni Roque, wala kasing plano ang Pangulong Duterte na i-extend pa ang kaniyang termino dahil nais na lamang nito na hayaan ang publiko at ang soberanya ng bansa na mag-desisyon kung nais ng mga ito na ma-amyendahan pa ang konstitusyon para bigyang daan ang pagpapaliban muna ng eleksyon.