Pagdukot sa 11 pinoy seaferers sa West Africa ikinabahala ng Malacañang

0
20

Labis na ikinababahala ng Malacañang ang nangyaring pagdukot sa labing isang pinoy na seafarers sa West Africa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, kasalukuyan na itong tinututukan ni Labor Secretary Bello III.

Matatandaang, kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) na pumalo na sa 11 Filipino seafarers ang dinukot sa Africa kung saan nakikipag-ugnayan na naman ang DFA sa embahada ng bansa ukol sa nasabing insidente.