Sunday, May 5, 2024

Malacañang ipinagmalaki ang opening ceremony ng SEAG

- Advertisement -

Ipinagmamalaki ng Malacañang ang katatapos pa lang na opening ceremony ng 30th Southeast Asian (SEA) games kagabi.

Ayon kay Presidential spokesman Atty. Salvador Panelo, “superb” kung kaniyang ilalarawan ang naging pagsisimula ng SEA games.

Ramdam aniya ng taumbayan ang pananabik at saya habang pumapasok na sa stage ng Philippine Arena sa Bulacan ang mga delegado ng bansa.

Maging si Pangulong Rodrigo Duterte aniya ay hindi napigilang makisayaw at makisaya habang inaawit ang sikat na “Manila” ng hotdogs.

Aminado si Panelo na maramot at bihira siyang pumuri sa isang pagtatanghal subalit ang nangyari kagabi ay maituturing niyang katangi-tangi sa lahat ng kaniyang mga napanood.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img