Friday, May 3, 2024

Makati City local government inilunsad ang malawakang bakuna kontra tigdas

- Advertisement -

Naglunsad ang Makati City government ng malawakang pagbabakuna kontra tigdas, ngayong araw.

Ito ay kaugnay ng nakakaalarmang kaso ng tigdas sa bansa.

Inumpisahan ngayong araw ng mga tauhan ng MHD o Makati Health Department ang pag-iikot sa mga bahay upang matiyak na mababakunahan ang lahat ng mga bata.

Batay sa abiso ng Makati City Hall, bibigyan ng bakuna ang mga batang may edad anim na buwan hanggang limang taong gulang.

Para naman sa mga batang may edad anim hanggang walong taong gulang, bibigyan ang mga ito ng rubella vaccine habang ang siyam na taon pa taas ay bibigyan naman ng mumps measles rubella vaccine.

Matatandaang sa pinaka huling ulat ng DOH o Department of Health pumalo na sa 70 ang namatay dahil sa tigdas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img