Mga paratang ni Diokno mariing pinabulaanan ni Andaya

0
50

Mariing pinabulaanan ni House appropriations committee chairman Rolando Andaya, Jr., ang mga paratang ni Budget Sec. Benjamin Diokno hinggil sa ma-anomaliyang procurement process sa gobyerno.

Iginiit ni Andaya na walang katotohanan ang mga bintang ni Diokno na siya ang nagsimula ng nakasanayang bidding sa mga proyekto ng pamahalaan bago pa man aprubahan ng presidente ang panukalang pambansang pondo.

Dagdag pa ni Andaya, matagal na panahon nang isinasagawa ang bidding ng mga proyekto bago pa man maisabatas ang GAB o General Appropriations Bill.