Makabayan Bloc naniniwalang isang ‘debt trap’ ang loan agreements sa China

0
51

Naniniwala ang Makabayan Bloc at iba pang socio economic groups na mas malaki ang malulugi sa bansa kaysa benepisyong makukuha sa loan agreements na nilagdaan sa China.

Sinabi ng Makabayan Bloc na debt trap ang posibleng sapitin ng Pilipinas sa mga kasunduang ito.

Ibinabala rin ni Ibon Foundation Executive Director Sonny Africa ang posibilidad na ang mga teritoryong pag aari ng Pilipinas ang maging kabayaran sa mga utang na pinasok ng bansa.

Dehado rin aniya ang Pilipinas dahil sa sandaling magka problema sa mga nasabing kasunduan, sa ilalim ng batas ng China isasagawa ang arbitration process.

Dahil dito, hinimok ni dating bayan party list representative Teodoro Casiño ang kongreso na manghimasok na at silipin ang mga pinasok na kasunduan ni Pangulong Rodrigo Duterte at Chinese President Xi Jinping gayundin ang pamamaraan ng pagbayad sa China sa mga nasabing loan agreements.