29.8 C
Manila
Sunday, April 14, 2024

Foreign investments sa bansa pumapalo na sa halos 46-B pesos sa 3rd quarter ng taong 2018

- Advertisement -

Pumapalo sa halos 46 billion pesos ang pumasok na foreign investments sa bansa para sa ikatlong quarter ng taong ito.

Ayon sa PSA o Philippine Statistics Authority, ang naturang foreign investments mula Hulyo hanggang Setyembre ay mas mataas ng 6.5 percent kumpara sa 43 billion pesos na naitala sa kahalintulad na panahon noong 2017.

Ang naturang investment report ay isinumite ng Board of Investment, Clark Development Corporation, SBMA, Cagayan Economic Zone Authority, PEZA, Authority of the Freeport Area of Bataan at BOI Autonomous Region of Muslim Mindanao.

Sinabi ng PSA na sa kabuuan ay umaabot sa 91 billion pesos ang foreign investments pledges para sa taong ito.

Makikinabang sa mga nasabing investments ang mga proyekto ng pamahalaan partikular na sa Northern Mindanao Region at Central Luzon na may kaugnayan sa energy development at infrastructure.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -