31.3 C
Manila
Wednesday, April 17, 2024

Gloria Arroyo pinagpapaliwanag kaugnay sa pork insertions sa panukalang 2019 national budget

- Advertisement -

Pinagpapaliwanag ng Malakaniyang si House Speaker Gloria Macapagal Arroyo hinggil sa ibinunyag ni Senador Panfilo Lacson na mahigit apat na bilyong pisong pork insertions sa panukalang 2019 national budget.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat magpaliwanag si Arroyo lalo na kay Lacson na siyang naka diskubre sa isiningit na pork barrel fund.

Binigyang diin ni Panelo na sakaling may makitang mali sa ginawang re alignment ng 2019 budget, may kapangyarihan ang Pangulong Duterte na i veto ito.

Maliban kay Arroyo, 1. 9 billion pesos ang nakitang budget insertion umano para sa mga proyekto sa distrito ni House Majority Floor Leader Rolando Andaya, Jr.

(with report from Jopel Pelenio)

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -