Mail-in voting sa mga senior citizens, PWDs sa 2022 elections pinag-aaralan ng COMELEC

0
27

Pinag-aaralan na ng Commisison on Elections (COMELEC) ang pagpapatupad ng mail-in voting para sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs) sa nalalapit na 2022 elections dahil pa rin sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez, ang ganitong patakaran o pamamaraan nang pagboto ay ipinatutupad lamang para sa mga Pilipinong botante sa labas ng bansa.

Sinabi ni Jimenez, matagal na rin kasing ipinapatupad ang postal voting o mail-in-voting para sa mga OFWs at pwede rin aniya itong ipatupad para sa domestic voting sa gitna ng banta ng COVID-19.

Dagdag pa ni Jimenez, mayroong ng panukalang batas na isinumite sa kongreso para pahintulutan ang main-in-voting sa bansa.

Bukod dito, sinabi rin ni Jimenez na bumabalangkas na rin sila ng  iba pang alternatibong paraan para makaboto kagaya na lamang ng online voting.