Pumalo na sa higit 1-milyon ang bilang ng mga nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo.
Ito ay batay sa pinakahuling tala ng World Health Organization (WHO), kung saan nasa kabuuang 1,000,009 na ang death toll sa daigdig dahil sa COVID-19.
Sa ngayon, nasa 33.30-milyon na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mundo, kung saan 24.6-milyon naman sa bilang na ito ang mga naka-rekober.